CLICK HERE FOR THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES »

Thursday, October 1, 2009

Muslims from Taguig need your help too.

Please Repost:

Many of our Muslim brothers and sisters here in Maharlika Village in Taguig were devastated by the floods brought about by Typhoon Ondoy. They would appreciate your help--clothes, food, medicine, and drinking water. Because there are no classes this week, let us use our free time to do something productive and help others too. Please coordinate with Jehan Ismael (Globe 09162431450). Thank you.


For cash donations: BPI account # 8166 1161 45

Thursday, July 9, 2009

Guidelines for Evaluating Schematic Circuit Diagrams :D

Well, I had a hard time looking for a list of guidelines that it actually took me a week. So, I hope this helps. :)

1) All components identified with symbol and/or value (ex. CR4 1N4148)
2) No duplication of symbols.
3) All power busses properly labeled.
4) Distinction of different grounds. (ex. digital, analog, chassis)
5) Table showing last used and unused symbols.
6) Notes describing what status circuit is in, what position switches are in.
7) Critical voltages and test points on critical lines or i/o pins.
8) Notes on substitution tolerances.
9) Phase indication on coils or transformers.
10) Continuity of buss lines spanning pages.
11) Possible dotted lines isolating different circuits.
12) Notes pertaining to equipment used to perform tests.
13) Possible simple waveforms at critical points.
14) Verify polarity on all capacitors or polar components.
15) Components with wattages over the norm. identified.
16) Notes identifying circuit board numbers, assembly numbers, version numbers or table of versions.
17) Copyright statements, sheet numbers, proprietary statements.
18) Listing of bypass capacitors not necessarily in the active circuits.
19) Company logos or names, signatures and/or dates of engineer/project director and schematic creator.
20) Tolerance limits on critical components.

source: http://www.pic101.com/schematic_checklist.htm

Sunday, March 22, 2009

Labing-anim na Taong Gulang ni Liwayway A. Arceo

Labing-anim na Taong Gulang
Ni Liwayway Arceo

Kung hindi nakikilala si Jaime, hindi sasabihing labing-anim na taong gulang lamang siya. Ang bukas ng kanyang mukha ay higit na magulang kaysa kanyang taglay na edad, bukod pa sa matipuno ang kanyang katawan at matangkad kaysa ka-gulang niya.

Ang totoo, kung matangkad man ang kanyang Ama ay higit na matangkad si Jaime. At matangkad din siya kaysa Kuya Ponsing niya. (Kung naririnig ni Jaime na inihahambing ko siya sa kanyang Kuya Ponsing ay naghihinanakit siya. Ayaw niya ang gayon. Aniya’y may sarili siyang katauhan. Siya’y indibidwal na bukod kaninuman.)

Hindi ninyo naitatanong, dating manlalaro ng basketbol si Jaime. Bata pa siyang musmos ay mahilig na siya sa larong ito. Siya rin ang nagturo sa akin upang maunawaan ko ang nasabing laro. Noong maliit pa si Jaime, nagsimula siyang maglaro sa koponan ng mga bata sa kanilang koleyhiyo, doon sa tinatawag nilang Midget Team.

At kapag ang kanilang Senior Team ang naglalaro, hindi mawawala si Jaime sa mga manonood. At sapagkat ayaw kong mag-alaala sa bahay na baka makipagkantiyawan si Jaime sa mga kalaban at tuloy makipag-away, napilitan akong sumamang lagi sa kanya. Malimit ay pinagtatawanan ako ng kanilang Ama at ng kanyang Kuya Ponsing.

Hindi kayo maniniwalang kung paano ang kanyang pamamaos sa pagsigaw, kung gaano ang kanyang palakpak, kung paano ang pagtagaktak ng kanyang pawis sa katuwaan o kalungkutan, ayon sa kinalabasan ng labanan, ay gayundin ako. At kaya ko naman naibabalita ito kahit hindi ninyo naitatanong ay sapagkat ibig kong maniwala kayo na si Jaime ay lubos kong nakikilala bilang anak. (Iyon nga ang akala ko!)

Nang matuntong si Jaime sa high school, napabilang siya sa mga manlalaro ng Junior Team. Ngunit hindi niya nakuhang maglaro nang magsimula ang liga nang nasa Senior na siya. Kusa siyang humiwalay. Gayon na lamang ang aking kalungkutan at panlulumo. Ibig kong makita siyang maglaro. At marahil ay ibig din ninyong malaman kung bakit.

Si Ponsing ay matanda ng labinlimang taon kay Jaime. At sa tagal ng kanilang agwat, akala ko ay hindi na magkakaroon ng kapatid si Ponsing. Kaya nang isilang ko si Jaime, mahuhulaan na ninyo kung anong kagalakan ang sumaakin. At hindi ko man sadyain, naiukol ko sa kanya ang lahat ng maari kong ihandog. Waring nahuhulaan kong hindi na ako magkakaroon ng iba pang anak. Na siya ngang nangyari.

Isa pa, labis ang pagkamahiyain ni Ponsing. Labis ang kabaitan na kung minsan ay nagiging dahilan ng pag-aalinlangan ng iba kung si Ponsing ay isang ganap na lalaki. Kaya nang sumilang si Jaime, binaligtad ko ang pagtingin. Hindi ko gaanong nilukubang tulad ni Ponsing. (Iyon ang akala ko, bagama’t laging sinasabi ng kanilang Ama na kapwa ko pinalayaw ang aking dalawang anak.)

Ngunit matutuwa kayo: wala namang naiakyat na basag-ulo sa amin ang dalawang ito. Ang totoo, noong dalawampu’t limang taong gulang si Ponsing, at wala man lamang kaming nababalitaang nililigawan, biniro siya minsan ng kanyang Ama.

“Ano ba ‘yan anak? Kung wala kang maipanhik na babae rito, magpanhik ka man lang kahit basag-ulo!”

Hindi ko inaring biro iyon. Nagdamdam ako sa kanilang Ama. Sabi ko nga, mabuti at hindi nakakaisip mag-asawa ang aming anak. Ngunit iba ang katwiran ng kanilang Ama.

”Mabuti ’yong bata pa tayo ay may apo na. Gusto mo bang akayin ka na lamang ng magiging apo mo? We have to enjoy their company, and they, ours.”

Ngunit talagang sumama ang loob ko. Kung maari lamang ay gusto ko ngang huwag silang magsipag-asawa. (Akala ko noon ay iyon ang wasto.) Lalo pa nang maramdaman ko kay Ponsing na hindi na niya ikinasisiya ang tila pagkainip ng kanilang Ama sa pananatili niyang binata.

”Mukhang mayro’n kayong nakukursunaduhan para sa ’kin?” nakatungong usig ni Ponsing sa Ama.

Napatawa ang kanilang Ama. ”Aba, pagdating sa parteng ’yan, kayo ang bahala. Hindi namin kayo pakikialaman. Kaya ko lang naman nasabi ’yon ay dahil tapos ka na sa pag-aaral. Kumikita ka na, awa ng Diyos... nasa edad ka naman at hindi ka pangit!”

Noon ko lamang nakitang muling nagtaas ang mukha si Ponsing. At nakangiti na ito.

Ngunit bakit ba si Ponsing ang naikukwento ko ay si Jaime ang talagang gusto kong ikwento? Kung sa bagay ay matagal nang nangyari ang bagay na ito. Ngunit isa ito sa mga pangyayari sa buhay ko na hindi ko malilimot.

”Hindi ako maaaring sumunod sa mga hinihingi sa ’min, Inay, kaya minabuti kong ako na lang ang kusang humiwalay...” natandaan kong sabi ni Jaime nang umalis sa koponan ng basketbol.

Nakadama ako ng biglang panlulungkot at panlulumo. Aywan ko kung bakit gayon na lamang ang aking paniniwala na ang basketbol ay isang larong nakahuhubog, hindi lamang ng katawan, kundi laluna ng disiplina sa sarili.

”Bakit?” tanging naitanong ko.

”Nahihirapan na ’ko sa ginagawang pagpapraktis, e... at alam kong hindi ko na makakaya.”

Hindi ako makapaniwala. Ayaw na ayaw kong sasabihin sa akin ng aking anak na may isang bagay na hindi niya kayang gawin, gayong nagagawa naman ng iba at dati na niyang ginagawa.

”Talagang hindi ko na kaya. Inay. Kailangan kong tumira na halos sa eskuwela.

Tatakbo kami ng limang kilometro araw-araw. Magbubuhat ng weights. At hindi ko pa rin maaring kaligtaan ang aking pag-aaral. Kaysa sabihin pa sa ’kin na aalisin na ’ko sa team dahil bumaba ang aking grades, nagpauna na ’ko.”

Hindi ako sumagot. Hindi ko pa rin matanggap ang kanyang sinabi, ngunit mabuti na nga rin ang kanyang kanyang pagtatapat. At nang gabing yaon ay naisip ko: kung susunod sa akin si Jaime at siya ay mabibigo naman at paalisin pa, mabuti na nga rin ang ginawa niyang pasiya. Nakita ko ang kanyang katuwaan nang sinabi kong payag na ako.

Hindi tumutol ang kanilang Ama. Ngunit tinukso ako. Ako raw ang unang nabigo. Sa isang dako ay nabigo nga ako, ngunit nakuha namang magtapat ni Jaime. Bagama’t nanghihinayang sa kanya ang kanilang tagasanay, pumayag na rin iyon nang malaman ang katwiran ni Jaime.

Gayunman ay hindi rin nabawasan ang kanyang pananabik sa basketbol. Patuloy siyang nanonood nito sa istadyum. Hindi na nga lamang ako sumasama. Ngunit lagi ko siyang naalala habang hindi umuuwi. Nagagalit tuloy sa akin ang kanilang Ama kapag napapansing nababalisa ako kapag hindi dumarating si Jaime sa oras na inaasahan ko. (Kahit naman si Ponsing, hindi ako natatahimik noon hanggang wala sa bahay.)

Ang totoo, nang mag-asawa si Ponsing, matagal bago ko naiangkop ang aking sarili na nasa ibang kalagayan na siya. Akala ko ay hindi ko na mauunawaan at matatanggap ang katotohanang iyon, bagama’t kailanman ay hindi ko ipinalagayna kaagaw ko ang aking manugang sa pagtingin ni Ponsing.

Hindi rin ako matahimik sa gabi habang wala pa si Jaime. At ipinaalam ko sa kanya ang bagay na iyon.

Minsan ay sinabi na sa akin ni Jaime: ”Bakit pa kayo nagpupuyat, Inay? Maari ba namang hindi ako umuwi?”

”Uuwi ka nga, pero kung may mangyari sa daan, at hindi ka na makauwi?” patanong kong sagot.

Tumawa si Jaime. ”Ano naman ang mangyayari? May isip na naman ako, a. Hindi na ‘ko batang paslit!” matatag na patuloy.

“Kung magsalita ito…” sabi ko. “Ilang taon ka na ba?”

”Disiseis na ’ko, ’Nay...” mabilis na tugon na tila hindi ko alam. ”Kumakarera na nga ako, a!”

Noon ko natuklasang iba na ang pagkakakilala ni Jaime sa kanyang sarili. At hindi man niya sinabi sa akin, nararamdaman kong ipinalalagay niyang hindi niya ako kailangan. Kaya na niyang makapamuhay na mag-isa. Kung sa bagay ay hindi ko dapat ikalungkot ang pangyayaring yaon. Mura ang kanyang gulang sa kalendaryo, ngunit hinog ang isip ni Jaime.

Mula noon, napuna kong may nangyayari kay Jaime ngunit hindi ko matiyak kung ano. Sa palagay ko, sinumang ina ay madaling makapapansin sa pag-babago ng isang anak. Napansin kong hindi gaanong nakakain si Jaime. At sa gabi, kung maaga siyang pumasok sa kanyang silid, ay nararamdaman kong hindi siya agad nakakatulog. Nababanaagan ko ang liwanag ng ilaw sa silid niya.

Sinabi ko iyon sa kanilang Ama. ”Wala ka bang napupuna sa anak mo?” usisa ko.
”Malakas hihingi ngayon ng pera!” mabilis na tugon.

“Binata na naman ang anak mo, e. Ibig mo ba naming mahuli siya sa iba?”

Nauliningan ko ang mahinang hagikhik ng kanilang Ama. Ugali na yata iyon. Kapag may sinasabi akong hindi niya sinasang-ayunan, ngunit ang alam niya ay wala siyang magagawa kundi ang huwag tumutol, ay lagi siyang humahagikhik.

”Hindi ba naman?” inulit ko.

”Oo nga. Pero hindi naman kaya umaabuso ang anak mo?”

”Hindi naman, a! Ang tila ko lang ikinababahala ay parang may problema siya. Hindi ko naman masabing sa grades, dahil kung hindi naman tumataas ang nakuha niya nitong huling grading period kaysa sinundan, hindi naman bumaba...”

”Pero hindi nga yata maganda ’yong hindi gumagalaw ang mga grades niya...” pasubali ng kanilang Ama.

”Iba na ngayon... kumakarera na’ng anak mo!” pagmamatwid ko.

Ngunit anuman ang sabihin ko, sa ubod ng aking puso ay alam kong hindi ako nasisiyahan, maging sa aking mga paliwanag ukol kay Jaime. At sinimulan ko ang makiramdam.

Napuna kong matagal na lagi sa harap ng salamin si Jaime, tuwing umaga. Ilang ulit siyang nagsusuklay. Papalit-palit ng damit. At habang lumalaon ay lalo siyang nagiging tamilmil sa harap ng pagkain.

At minsan, nang magbigay ako ng damit na marumi sa aming labandera, ang palagay ko’y natuklasan ko na ang susi sa suliranin ni Jaime, na nararamdaman ko.

Nakakuha ako ng sulat ng isang ipinalalagay kong babae. Maikli ang liham at pino ang sulat-kamay. Jim... I love you ever...N. (Jim... pinakaiibig kita magpakailanman... N. Halos takasan ako ng ulirat.

Gayon pala ang nagiging damdamin ng isang ina. Hindi ko ito naranasan nang malaman kong magaasawa na si Ponsing. Hindi man lamang ako nabigla noon. Marahil ay sapagkat malimit ngang binibiro ng kanilang Ama si Ponsin. O marahil ay sapagkat alam kong nasa karampatang gulang na si Ponsing upang magkaroon ng sariling pamilya. Ngunit kay Jaime, labis-labis akong nabigla! (Marahil, ang nakakatulad niyon ay kung matuklasan mong ang iyong asawa ay may kinahuhumalingang babae, na hindi ikaw!)

Hindi ko pinunit ang liham. Paulit-ulit kong binabasa. Ibig kong matiyak na hindi ako nagkakamali. At paulit-ulit ko ring nabasa ang maikling nilalaman niyon. Jim... I love you ever... N. Wala nang naiba.

Kinainipan ko ang pagdating ni Jaime nang gabing iyon. Hindi ako nagpahalata. Lampas na sa ikasampu ng gabi nang dumating siya.

”Magbihis ka na at ipaghahain kita,” sabi ko, ngunit naninikip ang dibdib ko.
Hindi sumagot si Jaime. Nagtuloy siya sa kanyang silid. Nag-init ang aking mga tainga. Nainis ako. Hinabol ko siya. Noon ko nakita ang kalungkutang nakaguhit sa kanyang mukha. Ayaw niyang tumingin sa akin. Kinipkip niya ang mga aklat na kangi-kangina lamang ay hawak ng kaliwa niyang kamay. Hindi siya kumikilos sa pagkakatayo.

”Halika nga!” Pautos ang bagsak ng aking mga kataga.

Nakatungong lumapit sa akin si Jaime.

”Mukhang pagod na pagod ka...”

”Hindi naman...” Ayaw niyang tumingin sa akin.

”Sige, ilapag mo na muna ’yang mga libro mo at kumain ka na.”

Binuo ko sa aking isip na lulutasin ko ang suliranin ni Jaime nang gabi ring iyon.

Humigop lamang ng sabaw si Jaime at binitawan agad ang kutsara. Hindi ako nagpahalata. Nakatingin siya sa hapag, ngunit waring walang nakikita. Parang wala siya sa kanyang sarili. Alam ko. Hindi ko maipaliwanag kung bakit, ngunit yaon ang natitiyak ko.

”O, hindi mo ba nagustuhan ang ulam?” tanong ko pagkatapos.

”A... e... h-hindi... hindi pa kasi ’ko... g-gutom...”

”Alas diyes na ng gabi... hindi ka pa gutom?” Biglang gumaralgal ang tinig ko, ngunit hindi ko maibulalas ang aking damdamin. ”Nakumbida ka ba?” at pinilit kong maging mahinahon.

Hindi kumibo si Jaime. Saglit na nagtama ang aming tingin nang magtaas siya ng mukha. Nangingilid ang luha sa kanyang mga mata.

”May problema tungkol kay... N!” tuwirang sabi ko.

Napadilat si Jaime. Kitang-kita kong nagulat siya. Kumibot ang kanyang mga labi, ngunit wala siyang nasabi.

”Sino ba si N?” tanong ko nang nanatiling walang imik si Jaime.

Hindi man lamang gumawa ng pagtatangka si Jaime na sagutin ako.

”Kailan pa ’to?” usig ko at ipinakita ko sa kanya ang nakuha kong liham.

Tinakasan ng kulay ng mga labi ni Jaime. Ngunit hindi siya kumibo.

”Hindi naman maaring ito’y isang pagkakamali,” patuloy ko. ”Ikaw itong sinasabing Jim dito, hindi ba?”

”O-opo...” Halos hindi ko narinig ang tinig ni Jaime.

”O... e sino ’tong si N?”

Nahalata kong bigla siyang nagkaroon ng lakas ng loob. Nanumbalik na ang kulay niya sa mga labi. Sinabi niya ang apelyido ni N. Kilalang pangalan. Nabibilang sa isang pamilyang tanyag. Hindi mayaman, ngunit nakaririwasa. Iginagalang sa larangang kinabibilangan. Masasabing mabuting pamilya.

”Ibig mong sabihin... nag-iibigan kayo?” tahasan ko nang tanong makalipas ang ilang sandali ng katahimikan.

”Opo...” at ipinagtapat niyang may ilang buwan na silang magkatipan, nagkagalit kailan lamang at ngayon ay bagong nagkabalikan.

Nagunita kong bigla ang paghiwalay ni Jaime sa koponan ng basketbol. Sa aking palagay ay si N ang lalong may malaking kinalaman sa ginawang pasiya ni Jaime. Binanggit ko iyon sa kanya. Umamin siya sa akin hinala.

”Ayaw na niyang maglaro pa ’ko dahil... hindi kami makalabas kung kailan namin gusto... hindi kami nagkikita. Saka... kasi, maraming ibang fans... na babae...”
Aywan ko kung bakit parang ibig kong matawa sa narinig ko. Nagseselos! At si Jaime ay labing-anim na taong gulang lamang! Nasa unang taon ng pagkarera. Kumukuha ng A.B. Economics. Ilang taon pa siyang mag-aaral. At may katipan na? Walang nalalamang hanap-buhay at umaasa lamang sa amin ng kanilang Ama.

”Sige, matulog ka na...”

Nagtaas ng mukha si Jaime. Napakunot ang kanyang noo. Napansin kong ayaw niyang sa gayon lamang matapos ang aming pag-uusap. Kinabahan ako.

”Bakit, ano pa ba’ng problema?” usig ko.

”Inay... k-kasi... napag-usapan na namin na... magpakasal na kami.”

Noon ako natilihan. Gayon na lamang ang sikdo ng aking dibdib. Ayaw kong isiping dahil kailangang pakasalan ni Jaime si N! Ngunit nakuha ko paring magpakahinahon. Napigil ko ang aking sarili sa pagtatanong: ”Anong ginawa n’yo?”

Sa halip, sabi ko: ”Alam mong lahat ng ginagawa namin ng iyong Ama ay para mapaligaya kayo ng Kuya mo. Sa palagay mo ba, kung mag-aasawa ka na ngayon ay higit kang magiging maligaya?”

”Opo!” mabilis ang pagkakasagot ni Jaime. Tiyak niya ang kanyang loob. Hindi siya nag-atubili. At nangingislap ang kanyang mga mata.

”Disiseis ka lang...”

”May panahon ba ang pag-ibig?”

Natigilan ako. Ngunit saglit lamang. “W-wala… wala nga. Pero baka nakaliligtaan mong ang pag-aasawa ay isang malaking pananagutan sa buhay?” at binigyan ko ng patlang ang aking pagsasalita upang makapag-isip-isip siya. Ibig kong marinig sa kanya kung hindi ako nagkakamali sa aking kinatatakutan. ”Kung ’yan ang makapagpapaligaya sa ’yo, ipapakasal namin kayo.”

Tumingin sa akin si Jaime. Naghintay ng iba ko pang sasabihin.
”Pero kailangang magkaro’n ka muna ng trabaho. Humanap ka ng mapagkakakitaan at kung hanap-buhay ka na, sabihin mo sa ’kin at sasabihan ko ang Itay mo na ikakasal na kayo.

Napansin kong nabaghan si Jaime. Sa loob-loob ko ay tila nabundol ko na ang malambot na bahagi sa damdamin ni Jaime, kung may kinalaman din lamang kay N.

”Kung may kinikita ka na,” patuloy ko, ”magagawa mo na ang maging padre de pamilya. Titingnan mo siya… at ikaw naman, titingnan din niya. Kung wala kang hanap-buhay, ano ang maibibigay mo sa kanya? At paano ka niya maaalagaan? Ang pag-aasawa ay hindi lamang dahil nag-iibigan kayo. Kailangan kayong mag-tinginan. Kailangan ninyong mag-alagaan. Kailangan ninyo ang pera. Lahat ng kilos ng tao ay pera ang kailangan!” dagdag ko. At nagluwag ang dibdib ko.

Ngunit napapansin kong nanlulumo naman si Jaime. Hindi maikakaila ang katotohonang iyon sa kanyang anyo. ”Pero ano ang maaring maging hanap-buhay ko?” nag-aalinlangan niyang tanong.

”Ano ang nalalaman mong gawin? Wala! Hindi ka pa naman tapos, e. Pero siguro naman, makapapasok ka sa kahit mensahero. Malusog ka naman... marunong kang magsalita ng Ingles...” banayad kong sagot.

”Mensahero? Ako... magiging mensahero?” Hindi ko inaasahan ay biglang napasubsob si Jaime sa kanyang palad. Umuungol siyang hindi ko mawari. Nabagbag ang kalooban ko. Marahan ko siyang tinapik sa balikat.

Kagat ni Jaime ang kanyang labi nang magtaas siya ng mukha.
”Yon... ’yon lang ba ang pangarap n’yo para sa ’kin, Inay... ang maging mensahero ako?” Lipos ng hinanakit ang kanyang tinig.

Lihim akong napangiti. ”Hindi ’yon ang pangarap ko para sa ’yo! Kaya nga sa pinakamabuting eskuwela namin pinapag-aral kayo... dahil mataas ang pangarap namin para sa inyo. Pero parang ’yan ang pangarap mo para sa ’yong sarili. Gusto mo nang mag-asawa, at dapat maging handa ka. Ang unang hakbang sa paghahanda ay magkaro’n ka ng trabaho. At ang pagiging mensahero lamang ang magagawa mo ngayon!”

Hindi sumagot si Jaime. Kumilos siyang patungo sa kanyang silid. Nang mapag-isa na ako ay saka ko natuklasang nag-aalaala rin ako. Hindi ko matiyak kung ano ang iniisip ni Jaime sa sinabi ko.

Hindi ako nakatulog nang gabing yaon. Ngunit hindi ko ibinalita sa kanilang Ama ang pangyayari. Maging nang sumunod na araw ay hindi ako kumibo. Maging nang sumunod pa. Hindi naman kami muling nakapag-usap ni Jaime tungkol sa bagay na iyon. Waring kapwa namin iniwasang mapag-usapan iyon.

Ngunit patuloy akong nakikiramdam. Nagsimula nang umuwi ng maaga si Jaime. Lagi siyang nag-aaral ng liksiyon. Naging lalo siyang masigasig. Nanumbalik na ang gana niya sa pagkain. Napawi na ang kanyang pangangalumata.

At minsan, siya na ang kusang nagbukas ng paksa tungkol sa nangyayari. ”’Nay, sorry... nakakahiya sa inyo...” Talagang hindi niya maikubling hiyang-hiya siya sa akin.

Napangiti ako. ”Mabuti naman at sinabi mo at hindi mo sinarili na lang,” masayang sabi ko.

Masaya na rin si Jaime. ”Tuwing maaalala ko, ’Nay... nahihiya ako! Lalo ngayon... mag-break na lang daw kami...” at nagkibit ng balikat si Jaime. ”Aba, okay lang sa ’kin... dahil sinabi ko sa kanya... talagang magtatapos muna ’ko sa pag-aaral. Saka, nag-apply uli ako, e...”

Ako naman ang nagulat. ”Ano... para maging... mensahero?” Napadilat ako.

Malutong ang halakhak ni Jaime. ”Sa aming basketball team.”

Ni hindi ko nakuhang kumurap. Hindi ko inaasahan ang sinabi ni Jaime. Ngunit nang gabi ring yaon, ikinuwento ko sa kanilang Ama ang maikling yugto ng hindi pa nasisimulan ay nagwakas nang pag-aasawa ni Jaime.

Saturday, December 20, 2008

Jengky's Visit

Thursday, on the 18th of December, After hanging out in Gelo's place, Nikki and I arrived late for the Class Christmas Party held in Marcian. Well, I not really enjoyed it but it was fun. As a gift, I received a new optical mouse! (yehey!)

Right after having our party, my older sister contacted and pleaded me to go to this nearby restaurant for there she is, just arrived from Manila, with my mother. I had no choice but to go... or else, she'll get mad and rant. Oh well. I have to admit, I missed her company so somehow, I was excited that decided to walk from where I was to The Village. :)

When we arrived home, she gave me this shirt from Hang Ten! (yehey!) Knowing my sister as a very restless person, the following day, Alyssa and I gave her a tour here in Zamboanga. We went to Antonio's and ate our lunch there.


Then, we went to Lantaka and visited Rameer Tawasil's displayed artworks.


We knew that they have a cafe there so we ordered coffee drinks and sat there on their comfortable seats and experienced the nice atmosphere of the place.


After which, we drived from there to Fort Pilar and went to the National Museum of Zamboanga. We took pictures around the quadrangle and visited the different galleries that were open for us.




During the tour, I realized how beautiful Zamboanga is. Amidst the attitude of some Zamboangenos. :P

Sunday, December 7, 2008

High School Night '08

The following night, HS Night was held in the NPPC. At first, I never planned to attend. Only my classmates persuaded me to come. Well, they were good at it so I was convinced. :P The sad thing though was I was not able to ask my classmates to take me a picture for it to be posted here. :| too baaaad. :( anyway, it was, again, helluva fun. :D

It was really nice dancing with people... though the best people that I danced with were still my classmates. :D Everyone was going wild that time. Of course, not with my classmates alone that I danced but I also did it with my sister (lol. were crazy siblings) and some people on the dance floor. Some events were too weird and shocking to be mentioned though. Worth keeping in the dance floor. :P

Although my mom was the one who fetched me inside the NPPC [it was our teachers' idea! You are not mistaken. They are that paranoid that they were willing to embarrass their students infront of their parents. Seeing their own sons and daughters with their boyfriends and girlfriends with all that sweat will be (i think) suicide for them.] , I calmly went down the bleachers and went home with my siblings. That was really a nice party... The program, the organization and the dancing were just right. Waaaay better that last year. :)

Well, I really had fun during those nights. They really started my month. Too bad classes are starting soon and looks like we have a lot of requirements to get rid off or rather, accomplish. :P

I can't wait for next year that were going to do it again! :D

Alumni Homecoming '08

The fellowship happened on Dec. 5 which was a Friday. And yes, there were a lot of people. :| Men who I never saw before and women wearing really short and tight clothes. With that, I am pretty sure that the boys were having fun that night. Ha! :D

Yes, we drank. I was with my girl friends and we were somewhere in the campus. Of course we made sure that nobody who cares would see us that time. Especially that their parents and our teachers are roaming around. It was helluva fun though. I thought I was not feeling any tipsiness, but they said that I was already laughing...hysterically. I peed a lot of times and suffered in the long line in the comfort room. That was not a good feeling. I was not happy at all during that agonizing moment. (the rest was kinda blurry...)

I was expecting that I was going to have a hangover by morning. Good thing I unintentionally have done the trick what my master told me to do after drinking sessions. :D

hehe.. thanks kuya Puloy! XD

Friday, November 28, 2008

I'm free, at last. :)

Yey, I am single! I had the gutts to break-up with him... I feel so free. :D

I've waited so long for this... and later, I'll be (unfortunately) watching Twilight with friends. Although what I want to watch is Tropic Thunder. Too bad it is not showing in the cinema anymore. :( Well, i think I'll be getting myself a pirated copy. (evil laugh)

Just this Friday, they announced that I won the contest held just last Wednesday! :D wooopee... I got the 1st place! hehe. I'll be posting the picture of what I made as soon as I get a copy of it from my classmates. :D

I think I will have to take a shower first. Jeanelle and I had to talk with the curator of the museum and discuss stuff. Later on, we'll watch a movie, then proceed to Christa's birthday party and dance all night (i guess). :P

Hoping a day full of fun. :D